-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Patok ngayon sa mga netizens ang holy week leaf art ng isang young artist sa Bicol kung saan gumagawa ito ng mga imahe ni Kristo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Dominic Gregorio, hangad niya na makatulong na maobserbahan ang Mahal na Araw sa panahon ng pandemya kung saan limitado ang mga religious activity.

Paaran aniya ang naturang obra ng online procession ngayong Holy Week.

Kwento ni Gregorio na ibinahagi lamang niya ang naturang mga larawan sa isang facebook page at hindi inaasahang magiging patok sa publiko.

Sa ngayon pinag-iisipan pa rin nito kung tatapusin ang station of the cross na gagawin rin gamit ang mga dahon.

Napag-alamang mayroong mga bumibili ng obra mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa kaya may pinagkakaabalahan ito ngayong pandemic.

Samantala, hangad rin ni Gregorio na maging inspirasyon sa mga kapwa kabataang nangangarap na maging magaling na artist.