Inaprubahan na ng Bicameral Conference Committee ang VAT para sa mga nonresident digital service providers, matapos magkaroon ng consensus sa dalawang natitirang issues ito ay ang withholding tax on percentage taxpayers na ipinanukala ng Department of Finance, at ang paglaan ng pondo para sa local creatives sector.
Ito ang kinumpirma ni House Ways and Means Chair at Albay Representative Joey Sarte Salceda.
Inihain ni Salceda ang unang version ng VAT sa digital service providers nuong 2020 kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Giit ni Salceda mananatili ang proteksiyon sa mga maliliit na negosyo gaya ng Barangay Micro Business Enterprise Law, at Ease of Paying Taxes.
Sinabi ng ekonomistang mambabatas na ang mga taxpayers na subject sa percentage tax ay ang mga bumababa sa P3 milyong VAT threshold na itinakda sa ilalim ng TRAIN law.
Idinagdag ni Salceda na sumang-ayon din ang bicam na maglaan ng 5 porsiyento ng incremental revenues, o humigit-kumulang P900 milyon, sa creatives sector.
Sa pagtulak ng probisyon sinabi ni Salceda na ang mga buwis sa mga imported na produkto ay nakakatulong at ang mga buwis sa mga imported na produkto ay karaniwang nakalaan para sa domestic na suporta.
Ipinunto ng kongresista na ang hindi patas na domestic sector sa loob ng hindi bababa sa apat na taon ang dahilan kung bakit naniniwala ang House contingent na may utang tayo sa resident creatives sector ng kabayaran at suporta.
Sa kabuuan, ang panukala ay inaasahang bubuo ng hanggang P18 bilyon sa unang taon nito.
Binigyang-diin ni Salceda na isasara nito ang isang loophole ng VAT na magpapahusay sa mga koleksyon ng VAT sa kabuuan.