-- Advertisements --

Suportado ng Bureau of Immigration ang proposal na maglagay ng “green lane” para sa mga nabakunahan nang foreigners sa iba’t ibang ports sa bansa.

Ilan nang mga ahensya ng pamahalaan, kabilang na ang BI, ang kasalukuyang pinag-aaralan ang proposal ng Department of Tourism (DOT) na magkaroon ng green lane.

Ang kanilang finding sa pag-aaral na ito ay ipe-presinta sa COVID-19 task force ng pamahalaan.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, sakaling aprubahan ng IATF ang initiative na ito ng DOT, hindi lamang ang industriya ng turismo sa bansa ang mabubuhay kundi pa rin na rin ang employment ng ilang milyong Pilipino.

Nauna nang sinabi ng DOT na bumagsak ang revenue ng pamahalaan mula sa foreign arrivals ng hanggang P82 billion noong nakaraang taon mula sa P482 billion noon namang 2019 dahil sa pagsara ng Pilipinas ng borders nito sa mga turista para mapigilan sana ang pagkalat ng COVID-19.