-- Advertisements --

Pinaalalahanan ngayon ng Bureau of Immigration (BI) ang lahat ng airline companies na siguruhing ang mga eligible aliens lamang ang papasukin dito sa Pilipinas.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang paalala ng Immigration ay kasunod na rin ng inilabas ng Inter Agency Task Force na resolusyon matapos luwagan ang mga restrictions sa mga foreign tourists na papapasukin sa bansa.

Sa ngayon, pinapayagan ang pagpasok ng bansa ng mga fully vaccinated na mga banyaga pero kailangan din nilang magpakita ng ilan pang mga dokumento.

Ang lahat daw ng mga hindi nakasunod sa mga dokumento na kinakailangang kunin bago pumasok sa bansa ay agad papasakayin sa susunod na availalbe flight pabalik ng kanilang port of origin.

Mahaharap naman sa multa at sanctions ang mga airline companies na hindi susunod sa panuntunan.

SInabi ni Atty. BI Port Operations Chief Carlos Capulong, kailangan umanong maging mahigpit dito ang mga airline companies para siguruhing nakakasunod ang mga foreign nationals ng mga requirement na kailangang sundin bago makapasok sa Pilipinas.

Nagpasalamat naman ito sa mga airline companies sa kanilang kooperasyon sa pagpapatupad ng mga travel restrictions.

Aniya ito raw ay joint effort ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan maging ng mga airline companies na siyang naatasang bubusisi sa mga dokumento ng lahat ng mga travellers.

Dagdag niya, naging matulungin at nakikipag-cooperate naman daw ang mga airline companies sa mga polisiya na kailangang ipatupad.