Naharang ng Bureau of Immigration (BI) officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 36 Chinese nationals na galing sa Macau na sakop ng travel ban na ipinatutupad ng pamahalaan dahil sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease outbreak.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, base na rin sa report ni BI port operations division chief Grifton Medina, naharang ang mga Chinese passengers sa NAIA Terminal 1 nang dumating ang mga ito sakay ng Philippine Airlines flight mula Phnom Penh, Cambodia.

-- Advertisement --

Base sa pagsusuri, bumiyahe umano ang mga banyaga bilang grupo at nasa Macau ang mga ito mula pa noong Pebrero 1.

Ang 36 na pasahero ay nai-turn over na sa Bureau of Quarantine para sa inspection at pababalikin na sa Phnom Penh.