-- Advertisements --
Nakapagtala ang Bureau of Immigration (BI) ng 49,892 na arrivals sa bansa sa pagsalubong ng bagong taon.
Ayon sa BI na 34 porsiyento sa mga bisita ay mga dayuhan.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco nangangahulugan na lamang na nakakabawi na ang Pilipinas sa pagiging kilala bilang sikat na holiday destination ng mga dayuhan.
Noong Disyembre ng nakaraang taon ay mayroong 1.6 milyon ang dumating sa bansa at nalagpasan ang target na 1.5 milyon arrivals.
Pagtitiyak pa nito na kanilang sinusuklian ng magandang serbisyo ang mga dumarating na turista sa bansa.