Nag-deploy ang Bureau of Immigration (BI) ng karagdagang mga bagong Immigration officers sa mga international airports ngayong papalapit na ang Pasko.

Ayon sa BI, ito ay bahagi pa rin ng kanilang kampanya para mapigilan ang pagpasok ng mga human traffickers lalo na’t inaasahan na ang pagbuhos ng mga bakasyunista ngayong holiday season.

Asahan na rin daw kasi ang pagbuhos sa bansa ng mga undocumented aliens at ng iba’t ibang modus operandi ng human traffickers.

Pinaghahandaan din ng BI ang inaasahang pagbuhos ng mga pasahero sa bansa kaugnay ng nalalapit na South East Asian (SEA) Games.

Ang bagong immigration officers ay nagtapos ng kanilang anim na buwang training hinggil sa Border Control Officers Module (BCOM) kasama ang immigration laws, rules, at procedures.

Sumailalim din sila sa Disaster and Emergency Preparedness Response seminar.

Nag-deploy ang Bureau of Immigration (BI) ng 67 na mga bagong immigration officers sa mga international airports.