Hinimok ng Bureau of Immigration (BI) ang publiko na mag-ingat at maging mapanuri sa pagsasagawa ng online travel arrangements.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, dapat i-verify ng mga prospective travellers ang pagiging lehitimo ng mga website at service provider bago magbigay ng anumang personal o pinansyal na impormasyon.
Hinimok din ni Tansingco ang publiko na e report ang mga kahina-hinalang website at online activities sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).
Nauna na umanong inilunsad noong unang bahagi ng taon ang eTravel na nag-aalis sa paper-based arrival at departure cards, pati na rin ang quarantine form at nagsisilbi ring single data colection platform para sa mga dumarating at umaalis na mga pasahero at pati na rin ang pagtatatag ng inegrated border control, health surveillance at ecoonomic data analysis.
Kung matatandaan, inilunsad din ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center ang “Online Bantay Lakbay” na ginawa katuwang ang Department of Transportation (DOTr) at Scam Watch Pilipinas.
Sinabi ni Tansingco na ang “Online Bantay Lakbay” ay naglalayong itaas ang kamalayan ng publiko at labanan ang travel scams, lalo na ang mga isinasagawa online.
Lubos aniya na sinusuportahan ng Bureau of Immigration ang ‘Online Bantay Lakbay’ initiative, na may mahalagang papel sa pagprotekta sa publiko laban sa mga mapanlinlang na travel schemes.