Napaso na ang ibinigay na palugit ng Bureau of Immigration (BI) sa mahigit 2,700 Chinese nationals na kasalukuyang nasa bansa dahil sa paglabag umano ng mga ito sa visa requirements ng Pilipinas.

Simula Enero hanggang Oktubre ay pinaaalis na ni Immigration Commissioner Jaime Morenteang nasa 2,736 Chinese nationals na nabigyan lamang ng visa pagtungtong nila sa bansa at hindi sumunod sa kanilang scheduled depaerture date pabalik ng China.

Base kasi sa Visa Upon Arrival (VUA) system, papayagan lamang ang mga Chinese na manatili sa bansa sa loob ng 30 araw.

Ayon kay Morente, karamihan sa mga pinaalis ng bansa ay blacklisted na, dahilan upang hindi na ulit sila makabalik dito.

Inilunsad noong 2017 ang VUA program na parehong pinangungunahan ng tourism at justice deparment upang hikayatin ang mas marami pang Chinese tourists na bumisita sa bansa.

Subalit sinabi ni Morente na 5 percent lamang ang VUA grantees na nagtutungo sa bansa.

Pansamantalang sinuspinde noong Enero ang VUA system dahil sa COVID-19 pandemic.