-- Advertisements --

Bumuo ang Bureau of Immigration (BI) ng medical task group na kinabibilangan ng kanilang sariling empleyado na may medical backgrounds para tumulong sa frontline officers ng ahensya sa mga paliparan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na inatasan na niya ang 18 immigration officers na pawang registered nurses na bumuo ng isang medical team na siyang mangunguna sa laban ng BI kontra COVID-19 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Inatasan ang medical team na ito na mag-report sa BI medical section at maghanda na rumisponde sa anumang sitwasyon na kakailanganin sila.

“Our immigration officers, like our health workers, are also in the frontlines of our campaign against the COVID-19. It is only proper that they are protected against this virus and extended medical attention should they need it,” ani Morente.

Base kay BI Port Operations Division Chief Grifton Medina, hahatiin ang mga miyembro ng medical team sa iba’t ibang shifts sa NAIA.