BAGUIO CITY – Muling tumatanggap ng pasyente ang Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC).
Maaalalang inihayag ng pagamutan kahapon, April 26 na hindi muna ito tatanggap ng pasyente para maiwasan ang lalong pagkalat ng COVID-19 sa lokalidad at iba pang lalawigan.
Gayunpaman, naglabas ng bagong pahayag ang pagamutan at ayon sa BGHMC ay maipagpapatuloy ang admission sa mga pasyente sa COVID at kahit sa mga pasyente ng iba pang sakit.
Kasabay nito ay inayos ang schedules ng mga staffs ng BGHMC at mas lalo pang hinigpitan ang mga protocols laban sa COVID-19.
Tiniyak ng management ng pagamutan ang proteksyon sa mga healthcare workers at pasyente.
Maalalang nagpositibo sa COVID-19 ang ilang doktor, nurses at iba pang medical frontliners sa BGHMC.
Kabilang ang BGHMC sa mga sub-national laboratory testing center para sa COVID -19 sa bansa.