-- Advertisements --

Itataas sa code blue ang alert status ng Bureau of Fire Protection (BFP) simula sa Disyembre 15, habang isasailalim sa code red simula sa Disyembre 23 hanggang Enero 2 para sa holiday season.

Sa isang pulong balitaan, ipinaliwanag ni BFP spokesperson Fire Senior Superintendent Bonifacio Carta na sa ilalim ng code blue, naka-heightened alert ang personnel ng BFP para rumesponde sa posibleng insidente ng sunog.

Sa ilalim naman ng code red, suspendido ang lahat ng leave applications maliban sa sick leaves.

Nasa 32,000 personnel naman ng BFP ang ipapakalat sa buong bansa sa kasagsagan ng holidays.

Naatasan ang mga ito na panatilihing accessible ang fire trucks at mga ambulansiya, inspeksyunin ang mga lugar para sa fire safety at imonitor ang designated community areas para sa fireworks displays.

Magpapakalat din ang BFP ng First Aid Service Teams sa gitna ng mga selebrasyon sa Pasko maging sa Bagong Taon.