-- Advertisements --

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ( BFP ) ang sanhi ng sunog sa Paco, Manila na ikinasawi ng tatlong katao nitong Biyernes ng tanghali.

Ayon sa BFP na kakaiba ang pangyayari dahil sa first alarm lamang ang status ng sunog at tatlo agad ang nasawi sa four-sotrey apartment na naapula pagkatapos ng mahigit isang oras.

Kinilala ang mga biktima na sina Veronica Lopez, 72, at dalawang apo nito na sina Don Francel Angco,7 at Jamila Erich Miranda,2 na nasawi sa suffocation.

Sugatan naman at itinakbo sa pagamutan ang isang biktimang si Christel Ann Joy Angco matapos na tumalon mula sa pangalawang palapag.