Gagamitin ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga lumang fire hydrant sa oras na magkaroon ng kakapusan sa tubig sa ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig na lugar.
May imbak din kasi itong tubig kahit hindi na gaanong aktibo.
Maging ang paggamit ng foam chemical ay ikinokonsidera din ng BFP para sa ilang pagkakataon.
Ayon kay Fire Supt. Annalee Carvajal-Atienza, marami silang options na ikinokonsidera para lamang matiyak na nakakatugon ang kanilang hanay sa mga nangyayaring sunog.
Una na kasing ibinabala ng ilang eksperto ang maaaring kakapusan ng tubig sa mga linya ng water concessionaire dahil sa napipintong El Nino phenomenon.
Panawagan ni Atienza, agapan ang sunog sa mga komunidad, itaweag ito sa kanilang tanggapan upang hindi lumaki ang apoy, kung saan mas maraming tubig ang kailangan para sa gagawing pag-apula.