Nais na panatilihin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagbabawal sa pangingisda sa mga apektadong lugar sa Oriental Mindoro.
Ayon sa BFAR na nakitaan pa rin ng mga contaminants o polycyclic aromatic hydrocarbons (PAH) ang nasabing mga isda doon.
Ang nasabing contaminants aniya ay nakakapinsala sa katawan at kalusugan ng isang tao at mga ibang lamang dagat.
Paglilinaw nila na naging mababa na ang antas ng mga contaminants na nakita sa nasabing lugar kumpara noong nakaraang mga linggo.
Galing ang mga fish samples sa mga bayan ng Bansud, Bongabong, Bulalacao, Calapan, Gloria, Mansalay, Naujan, Pinamalayan, Pola at Roxas sa Oriental Mindoro, at Caluya sa Antique.
Siniguro din ng ahensiya na patuloy ang ginagawa nilang pagbabantay at sila ay nakikipag-ugnayan sa mga iba’t-ibang ahensiya para tuluyang hindi kumalat ang nasabing contaminants.