-- Advertisements --
BFAR

Aabot sa Php15 million ang halaga ng pondong inilaan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa mga mangingisdang apektado ng oil spill sa bahagi ng Naujan Island.

Ayon kay BFAR Spokesperson Nazario Briguera, bukod pa ito sa una nang inilabas na Php4 million na halaga ng ayudang ibinigay ng ahensya para sa mga mangingisda.

Batay kasi aniya sa mga impormasyon kanilang nakalap ay nasa 11,000 pamilya ng mga mangingisda ang lubhang naapektuhan ng nasabing oil spill partikular na sa munisipalidad ng Naujan, Pola at iba pang mga karatig na lugar nito.

Dagdag pa ni Briguera, bukod dito ay magbibigay din ang BFAR ng 10 units ng smokehouse na maaaring gamitin ng fisherfolk organizations na binubuo naman ng 30 hanggang 35 miyembro.

Isasailalim din aniya ang mga ito sa training ng fish processing ng mga raw materials mula sa iba pang mga lugar na hindi apektado ng oil spill.

Habang magkakaroon din aniya ang mga ng trading business o distribution business ng mga kalakal na isda mula pa rin sa mga lugar na hindi naapektuhan ng oil spill mula sa paglubog ng oil tanker na MT Princess Empress.