Dinepensahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang 25,000 metriko toneladang iaangkat na mga isda na singdami para sa tatlong buwan na magiging suplay habang ipinapatupad ang closed fishing season sa Visayas at Mindanao.
Mahigpit kasing ipinapatupad ang closed fishing season na nagsimula ngayong buwan na magtatapos sa katapusan ng buwan ng Enero sa susunod na taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay BFAR chief of information Nazario Briguera, nilinaw niya na ang 25,000 metric tons ng isda lalo na ang galunggong ay aangkatin para sa ating bansa ay rekomendasyon ito ng muti-sectoral group na ibig sabihin kasama na ang pribadong mga importers.
Sagot din niya sa mga kritiko na ang pag-aangkat umano ng isda ay malaking tulong para matugunan ang kakulangan ng suplay nito dahil bumagsak din daw ang produksiyon dulot ng mga nagdaang pananalasa ng kalamidad sa ating bansa. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)