-- Advertisements --
Bumandera ang pangalan nina Beyonce at Billie Eilish na mangunguna na magperform sa Academy Awards ceremony sa Marso 27.
Ayon sa producers ng sikat na Oscars award na kakantahin ni Beyonce ang “Be Alive” na ginamit sa pelikulang “King Richard”.
Habang si Billie Eilish ay makakasama ang kapatid na si Finneas O’Connell na kakanta ng “No Time to Die” na ginamit sa pelikulang James Bond.
Kabilang din na magtatanghal ang country music star na si Reba McEntire na kakanta ng “Somehow You Do” na ginamit sa pelikulang “Four Good Days” habang si Sebastian Yatra ay kakanta ng “Dos Oruguitas” mula sa animated musical na “Encanto”.
Hindi naman kabilang ang singer na si Van Morrison na umatras dahil sa pagiging kumplikado ng kaniyang schedule.