-- Advertisements --

Inatake ng isang armadong babae ang beteranong Hollywood actor na si Charlie Sheen.

Naganap ang insidente sa bahay ng actor sa Malibu, Los Angeles.

Naaresto ng mga rumespondeng kapulisan ang suspek na si Electra Schrock na armado ng panaksak.

Walang anumang sugat o pinsalang natamo ang actor habang mahaharap sa patong-patong na kaso ang suspek.