Pumanaw na ang beteranong stage at film actor na si Sir Ian Holm sa edad 88.

Sinabi ng kaniyang agent na may kaugnayan sa sakit nitong Parkinson ang sanhi ng kamatayan sa pagamutan.

Nakilala siya sa pagganap bilang Bilbo Baggins sa Lord of the Rings.

Kasama rin siya sa pelikulang Alien noong 1979.

Kinilala siya ng National Theatre bilang “extraordinary actor”.

Nominado rin siya sa Oscars bilang supporting actor sa pelikulang Chariots of Fire noong 1981.

Sa nasabing pelikula din ay nakakuha siya ng best supporting actor award ng British Academy Film Awards.

Noong 1998 ay nakatanggap siya ng knighthood dahil sa kontribusyon nito sa drama.