Hindi na itinanggi ni Olivia Newton-John na gumagamit ito ng marijuana bilang bahagi ng kaniyang therapy.
Ito ay matapos na dapuan siya ng stage 4 breast cancer.

Sinabi nito na gagawin niya ang lahat kung ano ang magpapalakas sa kaniyang kalulsugan.

Kuwento pa nito na tinutulungan siya ng kaniyang asawang si John Easterling na gawing green algae drink ang marijuana.

Legal kasing gamitin bilang medicinal at recreational use ang marijuana sa California.

Unang na-diagnosed ang singer ng nasabing sakit noong 1992 at ito ay kumalat sa kaniyang lower back noong 2017.