Omicron
-- Advertisements --

Nakapagtala na ng kasong Omicron variant ng COVID-19 ang health officials sa Berlin, Germany.

Ayon kay Dilek Kalayci ang health senator ng Berlin na may iba pang mga pinaghihinalaang kaso ng Omicron strain sa lungsod.

Nanawaga na lamang ito sa mga mamamayan na iwasan muna ang pagtungo sa mga mataong lugar para mabawasan ang hawaan.

Naunag inihayag ng public health office ng Baden-Wuerttemberg na mayroong apat na katao ang nagpositibo ng Omicron variant pero mayroon silang mild symptoms.