-- Advertisements --
Photo © Jose Mari Chan’s FB Page

Inamin ng Chinese Filipino singer na si Jose Mari Chan na natutuwa ito sa pagiging trending o usap-usapan muli sa online world.

Tuwing papasok kasi ang tinatawag na “ber”months sa Pilipinas, nariyan din ang pagbabalik ng nasabing Ilonggo songwiter at composer.

Kaugnay nito, simula na rin ang tradisyon ng pagpapatugtog partikular sa radyo ng kanyang mga awiting pam-Pasko kabilang ang “Christmas in Our Hearts.”

Pero ayon sa 74-year-old “King of Christmas Carols” ng Pilipinas, kahit “game” siya sa mga biruan sa internet- halimbawa rito ay ang larawan na siya nakasilip bago pa man sumapit ang September 1, ay hangad nito na walang gagawa ng nakakasakit na biro sa kapwa.

“Natutuwa ako, I’m complimented. I feel complimented and flattered. I wish they would not make offensive memes. You know, this song is a gift from our Lord that I share with our countrymen,” saad nito nang mag-perform sa Sunday PINASaya.