-- Advertisements --
Aminado ng grupo ng mga supermarkets sa bansa na apektado ng African Swine Fever ang bentahan ng Christmas hams ngayong kapaskuhan.
Sinabi ni Philippine Amalgamated Supermarkets Association president Steven Cua, na hindi gaano naging agresibo ang mga tao na bumili ngayon ng Christmas ham kumpara noong nakaraang taon na mabilis naubos ang mga ito.
Naging normal lamang ang dami ng mga kumpanya na namimigay ng mga hamon pero ang mga bumibili ng hamon para kanilang ibenta ay nabawasan dahil sa may bahagyang pag-aalinlangan.
Tiniyak naman ng kanilang grupo na sa mga kilalang supplier ng mga hamon.