-- Advertisements --

Nakipag pulong si Benguet Rep. Eric Yap sa Philippine Air Force (PAF) upang matutukan ang sunod-sunod na forest fires sa naturang probinsya.

Kasama ang iba pang ahensya ng pamahalaan, bahagi aniya ito ng patuloy na paghahanap ng mga hakabng para pagtibayin ang forest fire suppression efforts.

Nag donate naman ang tanggapan ng mambabatas ng asin para sa gagawing cloud seeding.

Nakahanda rin aniya ang Mobile Tulong para magpaabot ng agarang assistance para sa mga komunidad na apektado.

Kung maalala inihain ni Rep. Yap ang House Resolution No. 1603 na layong tukuyin kung may sapat na kapasidad ang bansa sa pagtugon sa forest fires.

Tinukoy ng mambabatas na sa nakalipas na taon ay naitala ang iba’t ibang forest fires, gaya sa Cordillera region dahil sa “kaingin” at tagtuyot lalo na sa pagitan ng Enero at Abril.