-- Advertisements --

Binuweltahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang “fake news” na pinapayagan ang walk-in sa isang COVID-19 mega vaccination center, dahilan kung bakit sumugod ang maraming tao sa Araneta Coliseum.

Pumalag si Belmonte sa aniya’y walang hiyang mga indibidwal na patuloy pa ring nagpapakalat ng fake news sa social media para lamang manabotahe.

Kaya naman umaapela si Belmonte sa mga tao na ito na huwag nang magpakalat pa ng mga fake news at makonsensya rin sa paglalagay sa peligro ng maraming tao.

Nilinaw ng alkalde na hindi pinapayagan ng city government ang walk-ins sa kanilang mga inoculation sites.

Nagbabala rin ito sa mga nagpapakalat ng fake news hinggil sa posibleng kakaharaping kaso sa paglabag ng cybercrime law, reckless endangerment, at unjust vexation.