-- Advertisements --
Hawak na ng San Miguel Beermen ang 2-1 na bentahe sa best of seven 2022 PBA Philippine Cup Finals.
Ito ay matapos talunin sa overtime game ang TNT Tropang Giga 108-101 sa Mall of Asia.
Nanguna sa panalo ng Beermen si June Mar Fajardo na mayroong 27 points at 27 rebounds habang mayroong 18 points si Jericho Cruz at 13 points si Marcio Lassiter.
Ito ang pangalawang sunod na talo ng TNT ng wala ang kanilang head coach na si Chot Reyes na nasa Lebanon ang para sa laro ng Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup Asia Qualifiers.