-- Advertisements --

Naghain ang Akbayan Party-list ng panukalang “Lived Identities and Recognition Act”o House Bill 9929, o “Sharmaine Bill,” bilang bahagi ng paggunita sa Pride Month.

Ayon kay Akbayan Rep. Perci Cendaña, layunin ng panukala na kilalanin ang identidad ng mga transgender, intersex, at non-binary Filipinos sa pamamagitan ng mas simple at madaling proseso para maitugma ang kanilang legal na pangalan at gender marker sa kanilang kinikilalang identidad.

Sinabi ni Cendaña na maraming trans at intersex Filipinos ang nakararanas ng diskriminasyon dahil sa mga pangalang nakalagay sa kanilang mga legal na dokumento.

Sa ilalim ng panukala, maaaring mabago ang pangalan at iba pang detalye sa mga dokumento nang hindi na dumaraan sa mahaba at magastos na proseso sa korte.

Saklaw din ng panukala ang mga survivor ng gender-based violence at child abuse na nais magpalit ng pangalan para sa kanilang kaligtasan at kapakanan.