-- Advertisements --

Ipinatawag na ng Philippine National Police -Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) si Atene de Manila University president Roberto Yap.

Kinumpirma ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang pag-subpoena ng CIDG para mabigyang linaw ang pagkakasawi ng basketbolistang sina Rene Baterbonia at Divine Adili.

Hindi naman nagbigay ng anumang impormasyon si Remulla kung kailang sisipot sa PNP-CIDG si Ateneo men’s basketball team manager Epok Quimpo.

Nitong Biyernes, Hunyo 19 ay dumating sa PNP-CIDG sina head coach Tab Baldwin, coaching staff Dean Castano at athletic Director Em Fernandez.

Nagbigay sila ng mga pahayag ukol sa kinalaman nila sa pagkakasawi nin Baterbonia at kay Adili.

Una ng humingi ng paumanhin sa pamilya nina Adili at Baterbonia sina Baldwin at Yap.