Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang bagyo na si Francisco.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nitong alas-10 ng gabi ng Hunyo 20, ay nakapasok ang bagyo na may international name na Mekkhala.
Nakita ang sentro ng bagyo sa may 1,295 kilometro ng silangan ng Southeastern Luzon.
May taglay ito na lakas ng hangin na 95 kilometer per hour at pagbugso ng hanggang 115kph.
Inaasahan na lalakas ang bagyo at aabot ng typhoon category sa araw ng Linggo, Hunyo 21.
Magpapaulan ang nasabing bagyo dahil sa habagat sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Maaring makaranas ng pag-ulan ang Siquijor, Camiguin at timog bahagi ng Davao Oriental, Davao Occidental at Sarangani.
Habang sa araw ng Lunes, Hunyo 22, ay makakaranas ang pag-ulan sa bahagi ng Romblon, Visayas, Zamboanga del Norte, Misamis Occidental , Lanao del Norte, Camiguin, Surigao del Norte at Dinagat Islands.
Posible sa mga susunod na oras ay magtataas na rin ang PAGASA ng typhoon signal sa ibang mga lugar.















