-- Advertisements --
Nananatiling wala pang talo ang San Miguel Beermen sa PBA 48th Season ng Philippine Cup matapos na talunin nila ang Magnolia 98-91 sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.
Binura nina CJ Perez at Chris Ross ang 20 points na kalamangan ng Magnolia.
Nagtala ng 25 points si Perez habang mayroong 15 points naman si Ross.
Mayroon ng walong panalo at wala pang talo ang Beermen habang ang Magnolia ay mayroong limang panalo at tatlong talo.
Ayon kay San Miguel coach Jorge Gallent na kaniyang pinayuhan ang manlalaro na gawin ang lahat ng makakaya para tuluyang talunin ang Magnolia.