-- Advertisements --

Naitala ang San Miguel Beermen ang kanilang unang panalo sa PBA Commissioner’s Cup.

Ito ay matapos na talunin nila ang Meralco Bolts 93-83 sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.

Sa simula ng laro ay hawak ng Beermen ang kalamangan kung saan hindi nila hinayaan pa na malusutan sila ng Bolts.

Bumida sa panalo ng Beermen si Ivan Aska na nagtala ng 27 points at 13 rebounds habang mayroong 17 points at 15 rebounds si June Mar Fajardo.

Nag-ambag naman ng 16 points si CJ Perez at 10 points naman si Chris Ross.

Sinabi naman ni Beermen coach Jorge Gallent na nakapag-adjust na ang kanilang import kaya hindi na ito gaanong nahirapan pa.