-- Advertisements --
Lumapit na ang tsansa ng San Miguel Beermen na makapasok sa finals ng PBA Philippine Cup.
Ito ay matapos na makuha ang 3-2 bentahe sa best of seven semifinals ng talunin ang Meralco Bolts 89-78 sa laro na ginanap sa Araneta, Coliseum.
Pinangunahan ni CJ Perez ang Beermen na nagtala ng 25 points, siyam na rebounds at limang assists habang mayroon din ng 17 points ang naiambag ni Jericho Cruz.
Nasayang naman ang nagawang 24 points ni Chris Newsome at 12 points ni Allein Maliksi.