-- Advertisements --

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaang nagpapatupad ng cashless payment systems sa public transportation na gawing libre ang beep cards free sa mga commuters.
advertisement

Sinabi ni Pangulong Duterte, dapat libre ang beep cards at pamasahe na lamang ang babayaran ng mga pasahero.

Ayon kay Pangulong Duterte, kakausapin nito si Transportation Sec. Arthur Tugade para gawing libre na ang beep cards lalo para sa mga mahihirap na mananakay papasok sa trabaho at pauwi sa kanilang bahay.

Inihayag ni Pangulong Duterte na nakakadurog ng pusong makita ang mga kawawang pasaherong gipit na nga at kailangan pang magbayad ng P80 para sa beep card.

“Card lang naman ‘yan, ibigay na ‘yan libre. Bakit pabayaran pa ‘yan? We have been wasting so many billions to corruption tapos ‘yan hindi mabigay?” ani Pangulong Duterte.