Reading Time: 1 minute
Paul and Ringgo
Paul and Ringo/ IG post

Labis ang kasiyahan ng mga nanood sa concert ni Paul McCartney.

Ito ay matapos na imbitahan sa stage ang dating kasamahang drummer sa The Beatles na si Ringo Starr.

Sigawan ng mga audience ng Dodger Stadium ng kantahin nila ang Beatles hitsong na “Sgt. Pepper’s Lonely Hearts Club Band” at “Helter Skelter”.

Ito na ang huling concert ng 77-anyos ng kaniyang Freshen UP world tour.

Umabot sa 38 na kanta ang ipinamalas ni McCartney kung saan nagbigay ito ng tribute kay George Harrison na kinanta ang “Something” at John Lennon na kinanta ang “Here Today”.

Ilan sa mga surpresa ni McCartney sa kaniyang concert ay ang pagdala sa Eagles guitarist na si Joe Walsh.