-- Advertisements --
Nasilat ng Washington Wizards ang NBA top team na Utah Jazz, 131-122.
Sumandal ang Wizards sa big performance nina Bradley Beal na may 43 points at Russel Westbrook na nagpakita ng triple double performance upang pahiyain ang Jazz.
Nagtala ang dating NBA MVP na si Westbrook ng 35 points, 15 rebounds at 13 assists upang tuldukan din ang kanilang limang sunod-sunod na pagkatalo.
Para sa Utah, nasayang naman ang 42 points na ginawa ni Donovan Mitchell at ni Joe Ingles na nagposte ng career-high na 34 points, kabilang na ang walong mga 3-pointers.
Ang Wizards ay meron ng 15 wins ngayong season, habang nangunguna pa rin ang Utah sa kanilang kabuuang 29 na panalo.