BAGUIO CITY – All set na ang traffic plan at security plan ng Baguio City Police Office (BCPO) para sa pagtatapos ng MABALASIK Class of 2019 ng Philippine Military Academy (PMA) bukas, Mayo 26.

Sa panayam ng Bombo Radyo-Baguio kay Police Maj. Oliver Panabang, pinuno ng Trafic Enforcement Unit ng BCPO, sinabi niya na gagamitin nila ang traffic plan na kanilang isinagawa noong PMA Alumni Homecoming noong Pebrero.

Aniya, mahahati ang daan patungo sa loob ng akademya kung saan panguhing gagamitin ang right lane para maging maluwang ang gitnang bahagi ng kalsada.

Tiniyak ni Panabang na ma-maximize ang deployment ng mga kasapi ng BCPO para magbantay at magbigay seguridad sa mga bisitang dadalo sa seremonya.

Sinabi niya na nakahanda na rin ang mga tourist cops na magbabantay sa mga tourist destinations sa Baguio City na inaasahang dadagsain ng mga turista.