Kaugnay pa rin ng inilabas na resulta ng 2018 Bar Exams, isang kandidata ng Binibining Pilipinas ang nagdidiwang ngayon dahil na rin itong ganap na abogado.

Kabilang ang pangalan ni Bea Patricia Magtanong sa mga mapalad na bar examiners na pumasa sa nakaraang eksaminasyon sa pagka-abogado.

Sa kanyang Instagram post, ipinaabot ng kandidato ang kanyang pasasalamat dahil sa nakamit na tagumpay.

Kasama ni Bea ang kanyang ama sa larawan na isa ring abogado.

Nagtapos ang kandidata sa University of Philippines College of Law at planong itaguyod ang karapatang pantao.