10 araw bago ang 2019 Binibining Pilipinas coronation, ikinokonsidera na umano ng Bataan bet na si Bea Patricia Magtanong na siya ay panalo ano man ang maging resulta.

Ayon sa 2018 Bar passer na si Magtanong, isang oportunidad na ang mapabilang sa Binibining Pilipinas lalo’t wala siyang balak noon na sumali dahil takot mabigo.

“No matter what happens, I’m already a winner just because I’ve had the opportunity to be part of this legacy.⁣⁣⁣ So for everybody out there afraid to chase their dreams, just go for it. Apply for law school, take the bar, join Binibini! That leap of faith is a lesson in itself that will make you a wiser, stronger and more courageous person, no matter what the outcome. You never lose by trying. Either you win or you learn!!!!⁣⁣⁣” saad ni Atty. Patch.

Bb Bar passer Patch Magtanong
Magtanong

Nabatid na hindi kabilang ang lawyer/aspiring beauty queen sa mga napiling Top 10 sa national costume presentation ng 40 official candidates kagabi.

Ang 10 ito naman ay pagbobotohan pa sa www.bbpilipinas.com ng kani-kanilang fans hanggang sa June 8 ng tanghali o isang araw bago ang big night kung saan iaanunsyo ang best in national costume.

Kabilang dito ang pambato ng Bacolod at isa sa early favorite na si Vickie Rushton.

Vicki Rushton national costume

Si Rushton ay girlfriend ng aktor na si Jason Abalos.

Inaasahang uuwi sa bansa ang Fil-Australian beauty mula Bicol na si Catriona Magnayon Gray upang personal na ipasa ang kanyang korona sa susunod na magiging kinatawan ng bansa sa Miss Universe.