-- Advertisements --
8D469D46 6887 49F5 886D 8D4B3F7834BB

Kinilala ni Sen. Christopher “Bong” Go ang mga alkalde sa bansa dahil sa kanilang ipinapamalas na “bayanihan” upang sama-samang labanan ang coronavirus pandemic. 

Dahil na rin sa walang humpay na suporta na kanilang ipinapakita sa gobyerno habang isinusulong nito ang whole-of-nation approach bunsod na rin ng pandemya. 

Ipinahayag ng senador ang naturang mensahe nang dumalo ito sa turn-over ceremony ng fire trucks at equipments na binili ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Camp General Emilio Aguinaldo sa Quezon City ngayong araw. Dinaluhan ito ng mga local government officials mula sa iba’t ibang lugar. 

Ipinakita ng BFP ang mga bagong bili nitong equipments tulad na lamang ng 84 units ng 1,000 gallons capacity fire trucks, limang units ng aerial laddet at tatlong units ng rescue trucks. Nakatakda namang ipamahagi ang mga ito sa iba’t ibang local government units sa bansa. 

“All over the country po ito ipapamahagi. Natutuwa po ako dahil ang gusto naman po natin ay mabigyan ng sapat na kagamitan laban sa sunog ang mga iba’t ibang lugar — hopefully sa lahat ng sulok po ng bansa ay handa po tayo,” wika ni Go. 

Sa kanyang mensahe ay personal na nagpasalamat ang senador sa local chief executives — partikular na sa city mayors ng National Capital Region (NCR) na dumalo sa nasabing aktibidad, at maging sa mga dumalo sa pamamagitan ng Zoom — sa kanilang patuloy na suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa pagsisikap ng administrasyon para palakasin pa ang pamumuhay ng mga Pilipino sa gitna nang nagpapatuloy na health crisis. 

“Salamat po sa lahat ng tulong ninyo sa gobyerno. Hindi po magiging successful itong laban natin sa COVID-19 kung hindi sa tulong ng mga mayors natin,” saad ni Go, na partikular na binanggit ang pangalan ni Mayor Marcy Teodoro ng Marikina na naroon din sa event. 

“All mayors po na nasa Zoom, salamat po sa inyo. Maraming salamat po sa inyong suporta kay Pangulong Duterte po,” wika ni Go. 

Pinasalamatan din nito ang iba pang 

local officials at district representatives na naroon tulad nina Congressman Onyx Crisologo ng 1st District ng Quezon City, Congresswoman Angel Amante-Matba ng 2nd District ng Agusan del Norte, at Mayor Judy Amante ng Cabadbaran City, Agusan del Norte. 

“Dahil mahirap ang panahon ngayon, we have to adjust to the new normal pero konting tiis lang po. Alam kong hirap po kayo. Kami ni Pangulong Duterte, hindi kami nawawalan ng pag-asa, magtulungan lang po tayo. Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayong kapwa Pilipino,” dagdag pa ng senador. 

Hinimok din nito ang national government at local government units na ipagpatuloy ang pagtutulungan para isulong at protektahan ang kapakanan ng kanilang nasasakupan. 

“Patuloy lang po tayong magbayanihan at magmalasakit sa isa’t isa. Unahin po natin ang interes, kapakanan at buhay ng bawat Pilipino lalo na ang mga mahihirap at pinaka-nangangailangan,” ani Go. 

“Patuloy rin po akong magsisilbing tulay ninyo sa Pangulo. Gagawin ko po ang lahat sa abot ng aking makakaya para matulungan kayo at makapagserbisyo sa mga tao sa lugar ninyo. Sa pagkakaisa natin, maiaahon rin natin ang ating mga kababayan mula sa pagsubok na ito,” dagdag pa ng senador. 

Magugunita na umapela si Go sa gobyerno na magbigay ng one-time financial assistance sa provincial, city at municipal LGUs sa buong bansa para labanan ang pandemic. 

Bilang tugon ay naglabas naman ang budget department ng kinakailangang ayuda para sa mga LGUs upang ipamahagi sa mga nangangailangan sa kanilang mga lugar.