-- Advertisements --
OVP LAGUNA 3

Nagpaabot ng pasasalamat si Vice Pres. Leni Robredo sa mga heath care workers kasabay ng pagbubukas nang isang COVID-19 referral hospital sa Sta. Rosa City, Laguna.

Nitong araw nang bisitahin ni VP Leni ang pormal na pagbubukas ng COVID Complex of Hope ng The Medical City-South Luzon.

“Utang po namin sa inyo na sinusugal niyo ang mga buhay niyo para iligtas kaming lahat. So the least that we can do is offer our help; the least we can do is lighten your burden.”

“Alam po namin kung gaano kahirap para sa inyo so our Office has been doing many things para sa… iyong sa kaalaman namin [na] makakagaan ng kahit papaano sa burdens niyo.”

Pinaalala rin ng pangalawang pangulo ang kahalagahan ng partnership ng pampubliko at pribadong sektor.

“Kaya siya mahalaga dahil ito iyong pagpapakita na with bayanihan spirit nothing is impossible. Ito po iyong tema na nagiging saving grace ng aming Opisina for a very long time.”

OVP LAGUNA 2

Isa ang naturang pasilidad sa higit isang daan na tumanggap ng personal protective equipment (PPE) sets at iba pang medical supplies mula sa Office of the Vice President at organisasyong Kaya Natin!

Sa loob ng 27 araw natapos ang COVID Complex of Hope dahil sa pagtutulungan g iba’t-ibang grupo at suporta ng lokal na pamahalaan.

Noong May 7 ginunita ng bansa ang Health Workers’ Day sa bisa ng Republic Act No. 10069 na pinirmahan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.