Lusot na sa House Committees on Economic Affairs at Social Services ang proposed Bayanihan 3, na naglalaman ng P405.6-billion halaga ng interventions para makatulong sa pagbangon ng bansa mula sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Quimbo na Abril 30 pa nang aprubahan ng dalawang komite sa Kamara ang naturang panukalang batas.
Pero sinabi ng ekonomistang kongresista na kailangan din muna nang approval ng House Committee on Ways and Means pati na rin ng Appropriations bago ito maibalik sa mother committee para sa pag-apruba naman ng committee report.
Target naman aniya nilang maiakyat sa plenaryo ng Kamara ang naturang panukalang batas pagsapit ng Mayo 17, sa oras na makabalik sila sa kanilang sesyon.
Nauna nang sinabi ni Speaker Lord Allan Velasco na bagama’t nakatulong ang dalawang naunang Bayanihan laws sa pagtugon ng pamahalaan kontra COVID-19 pandemic, hindi naman aniya sapat ang mga ito para sa “genuine recovery” ng bansa.