-- Advertisements --

Nakatakdang aprubahan ng Kamara sa susunod na linggo ang Bayanihan to Recover as One Act, ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez.

Kamakailan lang ay inaprubahan ng Kamara ang Bayanihan Bill, na nagkakahalaga ng P162 billion, kung saan P10.5 billion dito ay inilalaan sa pagkuha ng karagdagang healthcare workers at iba pang medical frontliners.

Nauna nang pumasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang kanilang bersyon ng Bayanihan 2.

Sa isang statement, sinabi naman ni House Deputy Speaker LRay Villafuerte na kailangan sa lalong madaling panahon ay magkasundo ang Senado at Kamara sa mga pagkakaiba ng kanilang mga bersyon ng panukala para maisabatas ito ngayong buwan o sa Setyembre.