KORONADAL CITY – Isasailalim na umpisa ngayong araw sa 7 days MECQ ang bayan ng Polomolok sa South Cotabato matapos makapagtala ng kaso ng COVID 19 doon.
Ito ang mandato ni Gov. Reynaldo Tamayo Jr, batay naman sa Executive Order No. 29, series of 2020.
Ilan sa mga protocols sa nasabing bayan ay ang limitado na paglabas ng bahay at pagbabawal sa pagpapasok ng mga hindi residente ng nasabing bayan at mahigpit na pagpapatupad ng physical distancing at pasgusuot ng facemask.
Ayon kay Polomolok Mayor Honey Lumayag-Matti, layunin nito na mapabilis ang contact tracing matapos lumabas na nagpositibo ang isang 25 anyos na lalaki sa nasabing bayan.
Dagdag nito, nag negatibo naman sa isinagawang rapid testing ang pamilya ng nasabing nagpositibo.
Sa ngayon patuloy pang inaalam ang travel history ng nasabing positibo.
Ang nasabing E.O naman ay tatagal hanggang May 26, 2020.