-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nangunguna na ngayon ang bayan ng Midsayap sa probinsya ng Cotabato sa may pinakamaraming bagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19.

Sa huling datus ng Department of Health (DOH-12) nakapagtala ng bagong 20 Covid 19 cases ang bayan.

Kinomperma ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit o PESU-Cotabato, sa kabuoan ay mayroon nang 353 total confirmed cases rito.

Bumaba din ang active cases sa bayan na kasalukuyang nasa 94 matapos maka-recover ang 38 pasyente ng COVID.

Kaya naman nasa 248 na ang mga gumaling sa bayan.

Samantala, maliban sa Midsayap, nakapagtala din ng panibagong COVID-19 cases sa lalawigan ang Kidapawan City na may 17 at mga bayan ng Kabacan na may 10; Pres. Roxas 7; Makilala, Matalam at Antipas na may tig-apat na kaso; Pikit 3; Alamada, Arakan at Pigcawayan na may tig-dalawa; at Carmen na may isa.

Nakarecover naman ang 14 na mga pasyente sa Alamada, 5 Matalam, may tig-tatlo sa Antipas at Carmen, tig-dalawa sa mga bayan ng Kabacan, Libungan at Pigcawayan at isa sa Arakan.

Limang Cotabateños ang naitalang namatay hanggang kagabi dahil pa din sa nabanggit na virus kung saan dalawa sa mga ito ay mula sa Pres. Roxas at may tig-isa mula sa Matalam, Pikit at Antipas.

Sa kasalukuyan, ang North Cotabato ay may 2,868 total confirmed cases.

1,967 ang mga gumaling, 134 ang mga namatay at 765 ang aktibong kaso o patuloy na nagpapagaling.