-- Advertisements --
LA UNION – Makakatanggap ng 100,000 Yen o mahigit P40,000 pesos ang bawat miyembro ng pamilya na apektado ng Covid 19 sa bansang Japan.
Ito ang sinabi ni news correspondent Sheila Conz na tubo ng Baguio City at isa ng Japanese citizen sa panayam ng Bombo Radyo La Union.
Ayon sa kanya, ito ay tulong mula sa gobierno ng Japan kung saan ang mga ito ay matagal ng naninirahan doon bilang citizen.
Samantala, halos araw-araw ay may kaso ng Covid 19 sa nasabing bansa kung saan sa Tokyo ang pinakamarami dahil sa doon ang maraming tao na galing sa iba’t-ibang lugar at bansa.
Gayunman, hindi umano mahigpit ang lockdown sa nasabing bansa bagamat sinusunod naman umano ng mga tao ang mga panuntunan.