-- Advertisements --

Magkakasunod na nagpatupad ng bawas presyo sa kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis.

Kaninang alas-6 ng umaga na ipatupad ng mga oil companies ang P1.50 na bawas sa kada litro ng gasolina.

Mayroon naman P1.30 ang bawas sa kada litro ng diesel at P1.40 naman ang bawas sa kada litro ng kerosene.

Ito na ang pangalawang sunod na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng bawas presyo sa kanilang produkto.

Itinuturong dahilan naman ng Department of Energy (DOE) ang pagbababa ng demand sa mga langis sa world market.