Natagpuan na ang itinagong baul na punong-puno ng mga ginto at mamahaling bato ng isang antique collector.

Inanunsiyo mismo ni Forrest Fenn, ang gumawa ng treasure hunt na natagpuan ito sa Rocky Mountains sa New Mexico.

Mahigit na 10 taon na itinago ng 89-anyos na milyonaryo ang nasabing baul kung saan ilang libong katao na ang naghanap.

May ilan na umalis sa kanilang trabaho para mahanap lamang ang itinagong baul.

Sinasabing sinundan ng isang lalaki ang kaniyang ginawang tula para tuluyang makita ang itinago nitong baul.

Sinasabing nagkakahalaga ng mahigit $1-million ang laman ng baul na binubuo ng mga mamahaling bato at mga pigurin na antique.
Ipinadala ng lalaki ang larawan ng baul sa kaniya bilang patunay na natagpuan na niya ito.

@@