Reading Time: 1 minute

Naglabas na ng warrant of arrest ang Masbate Regional Trial Court laban kay Batuan Mayor Charmax Jan Yuson.

May kaugnayan ito sa kinakaharap niyang kasong illegal possession of firearms makaraang mahulihan ito ng mga matataas na kalibre ng baril sa isinagawang raid sa pagmamay-aring resort.

Inirekomenda ni Branch 50 Regional Trial Court Judge Arturo Clemente Revilla no bail sa kasong possession of firemarms ni Yuson.

Aabot naman sa P120,000 bail ang inirekomenda ng korte sa kasong paglabag naman sa Section 28 ng Republic Act 10591 o unlawful acquisition of firearms and ammunition.

Noong Pebrero 13 ng taong kasalukuyan nang magsagawa ng raid ang PNP-CID sa resort ng mag-amang Charmax at Charlie Yuzon.

Ito ay matapos na matanggap ng report ang pulisya hinggil sa umano’y private armed group ng mga mag-ama.