Kinumpirma ng Ombudsman na kabilang sa mga opisyal na iniimbestigahan nila kaugnay sa mga paglabag sa Republic Act 10592 o ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law ay sina dating Bureau of Corrections (BuCor) chiefs Ronald dela Rosa at Nicanor Faeldon.
Kinumpirma ito ng Office of the Ombudsman sa plenary budget hearing ng Kamara nang matanong ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate.
Sa pamamagitan ni Zamboanga del Norte Rep. Romeo Jalosjos, na nagsponsor sa budget ng Ombudsman, sinabi nito na kasama si Dela Rosa at Faeldon sa mga iimbestigahan.
Magugunita na si Dela Rosa ay naupo bilang BuCor chief mula Abril hanggang October 2018.
Bukod kina Dela Rosa at Faeldon, kasama rin sa 30 opisyal na iniimbestigahan ngayon ng Ombudsman ay ang iba pang mga kasalukuyan at nakalipas na mga opisyal ng BuCor.